So, It's you" Dahan-dahan naman akong napalingon at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko kung sino siya.. "What the! Anong ginagawa mo dito?" Napasmirk naman siya sa akin "Di ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo? Anong ginagawa mo dito...Sa TERITORYO ko!?" Halos mahulog naman ang panga ko sa narinig ko.. What? Teritoryo niya? Oh my gosh! No it can't be! "O? Nagulat ka no? Ako din eh nagulat na makita ka dito. Ano kayang masamang hangin ang nagdala sayo dito. Ang bad naman ng hangin at dinala ka dito..." Tiningnan ko naman siya ng masama. Akala ba niya papatalo ako sa kanya? Oo nagulat ako..pero di ako basta-basta papatalo no! "Oo naman, nagulat talaga ako...sino ba naman kasing mag-aakala na makikita ko pa iyang MUKHA mo!" Napatayo naman ito saka naglakad palapit sa akin habang umiiling. "Hanggang ngayon matapang ka parin. Di ka parin nagbabago...ang GASPANG parin ng ugali mo" Lalo naman nanlisik ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Ikaw din naman eh! Di ka parin nagbabago! Hanggang ngayon...PANGET ka parin!!" Pero sa halip na magalit siya ay tumawa pa ito na lalong ikinainis ko. "At anong nakakatawa doon sa sinabi ko?"galit kong tanong pa. "Wala naman, masyado ka lang matapang para sa taong may kailangan" nakangising sabi nito. Dahilan para matigilan ako. Oh no! Oo nga pala! Bakit naman sa lahat ng tao, siya pa? "Ano? Nalunok mo dila mo? Di ba nga kaya ka pumunta dito kasi may kailangan ka? May kailangan ka sa akin?" Napaatras naman ako ng unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "Sabi ko naman sayo noon di ba? Darating din ang araw na ikaw mismo ang lalapit sa isang gaya ko. Na darating ang araw na kakailanganin mo din ako. At heto nga, nangyari na! Nandito ka sa harapan ko. Tsk!" Halos mapapikit naman ako ng lalo pa siyang lumapit.. "Karma is Real my dear"All Rights Reserved