Dalawang taong hindi sinasadyang pinagtagpo ng tadhana sa lugar kung saan tinatawag na tagpuan ng dalawang taong itinadhana pero hindi itinakda, itinakda pero hindi itinadhana. Magulo hindi ba? basahin mo nalang ulit.
Dalawang taong pinagtagpo ng tadhana.
Teka.
Pinagtagpo nga ba ng tadhana?
Matatawag nga bang tadhana nangyari Kay Zen at Reeve?
Tadhana nga ba ang pagtagpuin sila ng dahil lang sa isang gabing pangyayaring pareho nilang hindi ginusto?
Pero paano kung ang pangyayaring iyon ay magbubunga ?
Posible bang ang bunga nun ay ang magiging dahilan upang mahalin nila ang isa't-isa?
Well,let's see.....