Kaya naman nating wala sila pero ang hindi natin kaya yung mga alaala na nakatanim parin sa utak natin na hinahanap hanap parin natin yung taong nang iwan ng mga masasayang alaala. Wala tayong magagawa pagsila na mismo ang umayaw. Kahit maghabol kung talagang ayaw na, wala ng magagawa. Hindi natin alam kung kaya nating tanggapin na ganung sitwasyon, hindi natin ulet alam paano mag umpisa, basta ang alam natin wala na tayong magagawa para bumalik ulet sila saatin. Tatanggapin na lang natin na hindi tayo sapat at hindi tayo pipiliin.