Si Ella. Isang babaeng takot na muling magmahal dahil sa unang pagibig at kabiguan na naranasan nya mula kay Carl. Nagmahal, Nasaktan, nagbago. Hanggang sa may bumalik at dumating. Mapagbibigyan ba ulit nya ang puso na buksan muli? Si Carl. Basketball player. Ex ni Ella. Natukso. Nagkamali. Natuto. Bumalik. Naniniwalang ang lahat ng bagay ay may pangalawang pagkakataon kung mapagbibigyan at tapat na magbabago at magtyatyaga. Mapagbibigyan kaya sya ni Ella na ayusin at muling buuin ang pagibig na minsan nyang ibinigay? Si Liam. Bahay, school, library, bahay. Ang lalaking biglang dumating at nagpupumilit na pumasok sa tulog na puso ni Ella. Mapagbibigyan kaya sya ni Ella buuin ang puso nyang minsan nang dinurog? ANO ANG PIPILIIN NYA? PANGALAWANG PAGKAKATAON O ANG PANIBAGONG PAG IBIG? Ngunit sabi nga nila, ang kasiyahan ay binabawi din ng kalungkutan.