26 parts Complete 𝐅𝐎𝐑𝐓𝐔𝐍𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #𝟐🌛🌼
Sa bawat pagsikat ng araw, may pangako itong dala- isang pag-asa at tibay. Nagbibigay ito ng init sa mga pusong nilalamon ng lamig at kalungkutan.
Ngunit sa likod ng liwanag na iyon, may mga sandali ring nilalamon ng dilim. Dilim na paulit- ulit na sumusubok sa katatagan ng puso, hinihila ito pababa- palayo sa mga pag-asa at pangarap.
At sa mga araw na lahat ng pagkakataon ay inaasahan mong sisiklab ang kapangyarihan ng liwanag, ay unti-unting napapariwara sa kadiliman.
At sa gitna ng lahat ng ito, paano kung ang kadiliman ang manaig? May liwanag pa kaya na sisilay sa gitna ng naghaharing dilim?
Maibabalik pa ba ang dating init ng pinagsamahan? Ang mga ala-alang nabuo sa init ng damdamin? Ang mga pangakong binuo sa gitna ng liwanag?
Hindi tiyak ang kinabukasan. Ang tanging mga pasya lamang ang magtatakda kung may pagsikat pa ng araw na naghihintay.
💗COMPLETED💗
🪻𝗗𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗥𝗧𝗘𝗗 : Aug. 23, 2025
🔆𝗗𝗔𝗧𝗘 𝗙𝗜𝗡𝗜𝗦𝗛𝗘𝗗 : Aug. 25, 2025