Si Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatuloy ang kursong Nursing. Nakapagtapos siya dahil sa kaniyang pagsisikap at sa tulong na din ng mga madre. Ngayon ay nasa bente dos anyos na siya, nagsimula siyang magtrabaho sa isang sikat at malaking hospital, malaki ang pasasalamat niya dahil kinuha siyang private nurse ni Felix Vince Amores para alagaan ang kapatid nitong si Kaycee Amores na mayroon lung cancer. Ang lalaking nabanggit ay isang guro sa isang sikat na Unibersidad. Simula pagkabata ito ay kaniyang pangarap. Kaya ba siyang saluhin nito sa pagkahulog niya nang tuluyan? O isang pagkakamali na mahalin niya 'to?