28 chapitres Terminé Napakaraming typical love story na ang nabasa o napanood natin. May mga kwento ng babae na mahirap at nagkagusto sa mayamang lalake at vice versa, mga kwento na sawi sa pag-ibig yung tipong iniwanan o nangiwan tapos biglang babalik, yung kwento na nafriendzone at kung ano-ano pa. Pero bibihira lang ang kwento ng mga lalakeng kagaya ko, mga torpe nanginginig sa harap ng crush niya, takot makipagusap sa crush niya, hanggang tingin lang sa malayo kay crush pero mahal na mahal si crush. Yung tipong laging gusto niya na nakangiti si crush, yung tipong masaya siya sa tuwing masaya si crush, yung tipong drinadrawing si crush kahit wala namang talento sa pagdradrawing at yung tipong mahal na mahal si crush kahit na alam niya na hindi naman mutual yung feelings nila, o hindi ba?