Sa bawat musika may mga tonong dapat tamaan. Sa bawat pagtipa sa gitara may mga tonong lumalabas. Sa bawat pag-kakamali sa pagkanta, sa pagtipa ng gitara kailangang bumalik sa simula at siguraduhin sa muling pagkanta't pagtipa ay walang pag-kakamali. Parang sa buhay ng tao... Sa bawat desisyon na ating nagagawa ay dapat tama. Sa bawat pag-papatuloy ng buhay dapat di tumitigil. Sa bawat mawawalang tao sa ating buhay kailangang bumalik sa simula at siguraduhing makakabangon muli. Ang musika ay parang buhay ng tao nag-kakamali man, nawawala man sa tono ng buhay kailangan pa ring makabalik sa tonong sinusundan para sa mga taong nawala at sa mga taong darating sa ating buhay.All Rights Reserved