Si Arlene ay isang sophomore high school student ng St. Louis University. Nakilala nya ang mga pilyo nyang kaklase na sina Andy at Loyd. Hindi lihim sa lahat ang kanilang pagtingin kay Arlene ngunit ang dalaga ay walang damdamin kahit kanino man sapagkat siya ay bata pa para dito. Si Andy ay isang Amboy na lumaki sa Pilipinas. Si Loyd naman matangkad payat at kayumanggi. Pareho silang gwapo. Simple lamang manligaw si Andy. Makulit at labis labis ang paghanga nmn ni Loyd sa dalaga kung kayat sukdulan ang pagkainis ng dalaga sa kanya. Lumipas ang isang taon Magbabago pa kaya ang damdamin ni Arlene para sa mga binata. May mapupusuan na kaya siya kina Andy at Loyd.
More details