Not a protagonist, neither an antagonist. Kung sa kuwento ay may bida at kontrabida, mayroon ding tinatawag na 'extra' o 'supporting character' lang. Akala ni Janine, sa kaniya umiikot ang mundo. Yun pala, parte lang pala ang kanyang mundo ng mas malaking kuwento-at iyon ang kuwento ng kaniyang best friend na si Grace at ng kanyang first love na si Daniel. Ang kanyang role? Maging kupido ng dalawa. Aray.