Story cover for Nang Magbago Ang Kwento Nating Dalawa by CharlesFredAgustin
Nang Magbago Ang Kwento Nating Dalawa
  • WpView
    Reads 350
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 10
  • WpView
    Reads 350
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 10
Ongoing, First published Aug 18, 2019
At nagdurugo ang kalangitan
Sa tuwing ang araw ay lumilisan.

Sa pagsibol ng buwan
Ang kwento niya'y muling babalikan.

2019
Isang manunulat na hindi makapagsulat, at isang babaeng patuloy nanumiibig sa mga alaala at hindi mabitawan ang mga 'sana lang' at mga 'paano kung' sa buhay. Ito si Louise, edad na 31.

Kung itatala ni Louise ang lahat ng pinagsisisihan sa buhay ay makakapagsulat siya ng isang nobela sa paglilista pa lamang ng mga ito. Hanggang sa isang araw, napagdesisyunan niyang umuwi ng Ilocos upang katagpuin ang taong nagpasibol ng isang libo't isang tula at kwentong nais maisulat sa papel.

2003
Isang dalagang puno ng matatayog na pangarap at umibig ng lubos sa taong magtuturo sa kanya kung paano sumulat. Siya ay si Louse, edad na 15.

Sa hindi inaaasahang pagbibiro ng tadhana at panahon, ay magkikita ang dalawang Louise upang baguhin ang kanilang naging buhay at maiba ang magiging takbo ng kanilang hinaharap.

Saan hahantong ang istorya ni Louise sa pagbabalik niya sa taong 2019? Ano ang handa niyang isakripisyong mawala sa kanyang buhay matamasa lamang ang pinangarap niyang yaman at pag-ibig?
All Rights Reserved
Sign up to add Nang Magbago Ang Kwento Nating Dalawa to your library and receive updates
or
#644teen
Content Guidelines
You may also like
Unleash (COMPLETED) by PlethoraHope
65 parts Complete Mature
"Tuwing umuulan, ikaw ang naalala ko. Animo'y kasama na kita tuwing umuulan." *** Si Scarlet Blythe Serrano ay isang dakilang NBSB (No Boyfriend Since Birth) pa rin kahit beinte y sais na ang kanyang edad. Nang dahil sa kanyang status ay sentro siya ng panlalait at panghuhusga ng mga taong nasa paligid niya. Sa gitna ng magulong mundo na kinagagalawan niya ay pumasok sa kanyang isipan na magsulat ng isang nobela na naaayon sa status ng kanyang buhay. Nais niyang magsulat dahil sa tatlong rason: maipahiwatig ang kanyang lungkot at hapdi na naramdaman, maisalaysay ang kanyang masalimuot na karanasan, at maranasan ang pag-ibig na pinapangarap niya kahit sa kathang-isip man lang. Subalit paano kung sa isang umaga ay biglang lumabas galing sa netbook si Matthew, ang main male character na isinulat ni Blythe sa kanyang nobela na nilikha? At habang lumipas ang panahon sa kanilang pagsasama ay biglang umusbong ang pag-iibigan nilang dalawa! Kaso hindi pa rin mababago ang katotohanan na nagmula si Matthew sa kathang-isip o imahinasyon na binuo lamang ni Blythe. Posible kayang magiging totoo sa realidad ang kanilang pag-iibigan at makamit ang inaasam na happy ending? O hanggang sa kathang-isip lang talaga ang kwento nilang dalawa? Ang kwento na umiikot tungkol sa isang aspiring writer at fictional character na parehong nahulog sa bangin ng pag-ibig. *** Genre: New Adult, Fantasy Language: Filipino Status: COMPLETED *** Date Started: May 28, 2020 Date Finished: July 16, 2022 © All Rights Reserved 2022
Flowers Bloom (Completed) by tephoney
54 parts Complete
Kailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso ko. Inaasam ko pa rin na sana balang-araw ay mahagilap ko man lang kahit na ang anino mo. Bata man ako noon pero alam ko na ang salitang pagmamahal. Naramdaman ko yun nung tumibok ang puso ko sa unang pagkakataon sa edad na sampung taon. Nandun ang kilig. Nandun ang sobrang saya. Nandun ang tawanan. Nandun ang kulitan. Nandun ang paglalambing mo pero dahil sa'yo nasaktan din ako't umiyak. Hindi ka na bumalik muli. Hindi mo tinupad ang mga pangako mo sa'kin. Nangako ka sa edad na labing-tatlong taon. Tatlong taon ang pagitan ng edad natin pero ramdam ko ang sinseridad mo dahil umasa ako. Lumaki man ako nun sa bahay-ampunan ay pinunan naman ni mother ang kulang sa'kin. Buo at totoo ang pagmamahal na ipinakita niya sa'kin. Kuya ko magpakita ka na. Nasa'n ka na? Tatlong taon ang lumipas nung hindi ka na nagpakita ay umaasa pa rin ako pero natuto akong buksan ang puso ko para sa iba. Ngayon ay apat na taon na kami, kuya. Malapit na ring maging labing-isang taon na hindi ka na nagpapakita sa'kin. Masakit isipin pero umaasa pa rin ako na makikita kitang muli. Gusto kong sabihin sa'yo na salamat sa mga sayang idinulot mo sa buhay ko. Gusto kitang makita. Magpakita ka na. Hinihintay ko pa rin ang pagbabalik mo. Gusto kitang tanungin ng bakit. Gusto kong pakinggan ang mga dahilan mo. Magpakita ka lang. Tatanggapin kita ... bilang nakaraan ko na lang.
You may also like
Slide 1 of 9
Warm Embrace (COMPLETED) cover
Unleash (COMPLETED) cover
Memories Afterall (BoyxBoy) cover
Darling (Not a Love Story) cover
Flowers Bloom (Completed) cover
sHE's Perfectly Changed cover
Ang Lihim na kwento ng mga Buwan cover
Unuttered cover
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞 cover

Warm Embrace (COMPLETED)

49 parts Complete Mature

VANISHON SERIES #1 Si Zhannarah ang babaeng palaging centro ng tuksuan palaging siya ang nakikita ng lahat para kutyain at asarin dahil sa katawan na mayroon siya. Pero ang hindi nila alam si Zhannarah ang isang babaeng kayang-kaya silang patumbahin. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtutol niya sa mga ito gamit ang sariling paniniwala ay may kakaharapin pala siyang dagok ng balakid para makamit ang pagpapahalaga ng kanyang Pamilya. Lalong lalo na ang kanyang Ina. Gusto niyang makita nito ang halaga niya at gusto niyang makita sa mga mata nitong masaya ito dahil siya ang naging anak niya. Pero hindi ganon kadali ang kakaharapin niya dahil mahahantong ang sariling buhay niya sa isang mapanganib na pangyayari. Pero paano ba niya haharapin ang pagsubok na ibinigay sa kanya kung ang taong palagi siyang inaalalayan ay umaming may gusto sa kanya? Tatanggapin kaya niya ang pagmamahal na ibinigay nito? O hahayaan itong masaktan dahil sa sariling kagustuhan nitong mahalin siya? Pero paano kung isang araw ay gamitin ng kanyang kalaban ang kanyang kahinaan para sumama dito ng ilang taon at iwan ang lalaking mahal pala niya sa matagal na panahon? Matitiis kaya niyang iwan ito at mangakong babalik siya, pero walang kasiguraduhan kung babalik nga ba? O kalimutan nalang ito at gumawa ng sariling tadhana?