Sabi ni mom ang karma ay laging umaali-aligid para lapitan ka, at sa tingin ko ay totoo iyon. Dahil last summer, naging ganap na sinungaling ako, at ngayon, sa gitna ng third-period math class ni Mr. Princillo, ang buong mundo ko ay magsisimula nang gumuho. Iyan ay dahil nang manirahan si Stefanie sa lola niya noong summer, "aksidente" niyang nasabi sa "summer friend" niyang si Claire na siya ay sikat na babae at nakikipag-date siya kay Tristan Fernandez, ang pinakasikat na lalaki lang naman sa school nila. Harmless lies, tama? Mali. Hindi nang si Claire ay nakatayo sa harap ng klase ni Stefanie, na bagong lipat lang sa lugar nila. Uh-oh.