Sa mundong kinagisnan ni Cristine Sandoval, ihi lang yata ang kanyang pahinga. Lumaki siyang nagbabanat ng sariling buto para matustosan ang kanyang pag-aaral. Sampung taon pa lamang siya nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente at ang kanyang OFW na ina ay nagkaroon na ng ibang pamilya sa ibang bansa. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang Lola na nagpaalam din sa kanya noong siya ay labing walong taong gulang dahil sa malubhang sakit nito.
Sa pagtatapos niya sa kolehiyo ay parang nabunotan ng isang malaking tinik si Cristine dahil sa wakas ay graduate na siya!
Ang buong akala niya ang pagtatapos niya sa kolehiyo ay pagtatapos na din ng mga sakripisyo niya. Ang buong akala niya ay matatamasa na niya ang maginhawang buhay.
Sa kanyang pagpasok sa panibagong yugto ng buhay ay kasabay din ng pagpasok ng isang lalaking magbibigay ng malaking twist sa kanyang buhay.
Tatanggapin nga kaya ni Cristine Sandoval ang alok ni Miguel Montemayor para sa kinakailangan niyang mabilisang solusyon sa kanyang problema? Handa ba siyang harapin ang kapalit ng kanyang pagpapanggap at tuluyang mahulog ang kanyang loob kay Miguel Montemayor?
*ang mga karakter at pangyayari sa kwentong ito ay base po lamang sa aking wild imagination.😉
***COMPLETED***
Thank you to those who took their time to read THE FIANCEE!
***still working on sa next part of The Fiancee. Sobrang haba din ng pagitan since ng last na sinulat ko ito.hehe I hope you can also give it a try once it's out!