Naghahabol ka na ba sa oras? Yung nasaksihan mo na isa isa ang mga kaibigan mong nagpakasal, nagkapamilya at walang palyang ikaw ang kinuha nilang Bridesmaid. Yung kapag may family reunion kayo ay wala ng ibang tinanong sa'yo ang mga kamag anak mo kundi "Kailan ka mag-aasawa?", "Bakit hindi ka pa nag-aasawa?" o di kaya "Baka tumanda ka ng dalaga nyan!" at ang pinakamalala sa lahat "May ipon ka na ba? Kung wala pa, magsimula ka ng mag-ipon pambili mo ng asawa!". Nakakarindi na! Hindi ka naman nagmamadali pero sa edad mong palipas na sa kalendaryo, mukhang kailangan mo na nga yatang magsimulang mangarera. Pero papaano ka naman magpapakasal kung ni boyfriend o manliligaw nga wala ka? Sinukuan mo na ang bahaging yan sa buhay mo.All Rights Reserved
1 part