Elij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move. Ito ang lawyer na target ng grupong kinabibilangan niya. Kailangan niyang pakisamahan ito para mapasok ng grupo niya ang buhay ni Christopher Samaniego Jr. at ang society na itinatag nito - The Breakers Corazon Sociedad. Wala na siyang pakialam sa kung anong atraso ng lalaking ito sa leader ng grupo nila, sumusunod lang siya sa mga utos nito para mabuhay. Pero kaya niya pa bang tapusin ang misyon na ibinigay sa kanya kung nalabag niya na ang isa sa mga batas ng grupo? It was, never to fall in love with the target.