Sabi nila kapag mahal mo, gagawin mo ang lahat para sa kanya. Hahamakin mo ang lahat wag lang siyang mawala. Huwag lang siyang lumayo. Gagawin mong posible ang imposible para sa taong mahal mo. Magbabago ka para sa kanya. Para sa inyong dalawa. Ibibigay ang lahat ng kailangan niya. Uunawin ang lahat-lahat sa kanya. Ipaglalaban ang pagmamahal mo para sa kanya. Pero paano kung ikaw nalang pala 'yung nagmamahal? Ikaw nalang pala ang kayang gawin ang lahat para sa inyong dalawa? Ikaw nalang ang kayang gawing posible ang imposible? Ikaw nalang ang kayang ibigay ang lahat? Ikaw nalang ang umuunawa? Ikaw nalang 'yung lumalaban? Magmamahal ka pa ba?