Naniniwala ba kayo na muling magtatagpo ang landas ng dalawang tao na nagkakilala na sa kanilang nakalipas na buhay? Naniniwala ba kayo sa pagbabalik? Totoo nga ba ang mga katagang, "History repeats itself?" ...................................................................... Hindi lahat ng bagay ay nakakasalalay sa nakaraan. May mga bagay na mahirap pigilan, mga ala-alang kay sakit nang balikan. Hindi na dapat pang tinatanaw, ngunit wala rin tayo sa ating katayuan ngayon kung wala ang nakaraan. Ito ang siyang humubog sa atin. Mababalikan mo pa nga ba ito kung kay pait ng iyong nakaraan... Ang kwentong ito ay tungkol sa kasalukuyang buhay ng isang taong alam na ang kaniyang nakalipas. Hawak niya ang mapait na istorya ng nakaraan at nais niyang baguhin ito sa pangalawang pagkakataon. Ito ay pagsubok ulit ng kanilang pagmamahalan laban sa kapalaran. Ang kwento ni Kerubin at Karimlan mula sa Digmaan ng Langit at Lupa. Subaybayan ang kanilang pagkikita sa modernisadong pamayanan.All Rights Reserved
1 part