Nagkaroon na ba kayo ng crush na tumagal ng mahigit 8 years? Kayo ba ay umaasa na magiging kayo ng crush mo? Sa hindi malaman na dahilan, si Alianna Raine Santos ay nagka-crush sa isang lalaki na basketball player, si Cedric Guevarra. Sikat siya at tinitilian ng mga babae. Isang ngiti palang niya, paniguradong maiin-love ka na. Nagtransfer si Raine sa Kingston University para maiwasan si Cedric at kalimutan ito. Akala niya magwawakas na doon ang lahat ngunit may nangyari na hindi inaasahan ni Raine. Paano kaya matatakasan ni Raine ang lalaking matagal na niyang iniibig? Tuluyan na ba niya itong makakalimutan?