Sa isang maliit na Coffe Shop sa Morayta nagtagpo ang landas nina CHARLIE at ANGEL. Parang hinango na mga karakter sa isang pelikula ang kanilang pangalan-- siguro nga'y tadhana na ang nagdikta ng magiging kapalaran nila. Si CHARLIE ay isang waiter. Si ANGEL naman ay isang writer. Habang ang isa'y gumagawa ng kape ang isa nama'y nagsusuka ng tinta. Nakatutuwang isipin na nahulog ang loob nila sa isa't isa. Ngunit gaya ng sa mga kuwentong romantiko, lingid sa kaalaman ng mga bidang may pagsubok silang kailangan nilang pagdaanan. May mga tanong, na kailangang hanapan ng sagot. Tulad na lamang ng ganito: "May kasiguraduhan ba ang lahat matapos ang pag-amin at pagsunod sa nararamdaman?" Isa lamang ang malinaw: Hindi lang sa pag-ibig umiikot ang buhay nila. Ngunit kahit gaano pa man kagulo ang sitwasyong kanilang kinasasadlakan, hindi kailanman mapaghihiwalay ang ISANG PLUMA at ISANG KAPE.