Lahat ng tao, may kanya-kanyang istorya. Minsan, sinasabi nila pero madalas, tinatago. Normal lang naman ata sa tao na magkaroon ng sekreto. Lahat naman ata siguro tayo, merong ganoon. Pero hindi ibig sabihin no'n na sinungaling ka na.. hindi ba? Lagi nating pinapakita sa iba yung isang mukha natin na mabait, magalang, mapagkumbaba, hindi makabasag pinggan. Pero ano nga ba ang itsura natin, kapag wala nang taong huhusga sa atin? Heto ang kwento ko. Ang kwento na alam kong gusto mo ring malaman.