Kompletong-kompleto na ang buhay ni Tyrone. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos. Everything went very well simula ng magpakasal sila ni Sahrenna. Mahal na mahal nila ang isa’t isa at tutuparin nila ang kanilang ipinangako sa harap ng altar -wagas na pagmamahalan. Ngunit gumuho ang kanilang perpektong buhay nang malaman ni Tyrone na mas lalo pang lumala ang sakit ng asawa. At ang mas masakit, magkakaroon pa sila ng anak. Hanggang saan niya kayang iligtas ang buhay ng kanyang mag-ina? Hanggang saan niya kayang labanan ang takot? Paano kung isang buhay lang ang puwede niyang iligtas?