7 parts Ongoing MHST Volume 4: SAPI - Sa San Vicente, may isang sakit na hindi kayang gamutin-at isang dilim na hindi kayang takasan. Isang di-matukoy na karamdaman ang dumadapo sa mga tao ng baryo. Nagsisimula it sa matinding pangingisay, at sa oras na ito'y huminto, bumabangon sila na tila iba nang tao. Ang ilan ay nawawala nang walang bakas, ang iba'y bigla na lang pumapatay. May ilan na, sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay ngumingiti habang winawakasan ang sariling buhay. Kabi-kabilang siyentipiko na ang sumuri sa mga biktima, ngunit wala silang natagpuang mikrobyo o virus na may sala. Tila may isang hindi nakikitang pwersa ang humahawak sa kanilang kaluluwa-isang bagay na gumising mula sa mahabang pagkakahimlay, isang nilalang na naghahanap ng panibagong sisidlan. Habang bumababa ang araw, bumibigat ang hangin. Ang mga anino sa bawat sulok ay hindi na lang basta anino. At sa San Vicente, isang tanong lang ang mahalaga-paggising mo bukas, ikaw pa rin ba ang nasa loob ng iyong katawan?
***
MHST Volume 4: SAPI
Mga Hiwaga sa Takipsilim Series
Writer: Angela Atienza
Content Editor: J. del Rosario
Book Cover Design: MariKris26