"I asked you about love at first sight. Tinanong kita kasi ako rin, hindi ko alam kung totoo ba iyon. But when I met you, naniwala na akong totoo nga iyon. I love you, Ysa. I really do."
*****
Si Ysabelle, maganda at dagsa ang manliligaw. Pero ni minsan, hindi pa nagka-boyfriend. Paano, bago kilatisin ang lalaki, inuuna pang magtaray at mang-basted. Tanging siya lang ang nakaalam kung bakit.
Enter the Mr. Tall, Gorgeous and Playboy. Si Jonas Sta. Ana. Hindi pa man niya ito nakikilala ng personal, alam na niyang palikero ito. Bakit hindi, kaibigan yata niya si Shelby na kapatid nito na siyang nagsasabi kung gaano kahilig sa babae si Jonas.
Siyempre, basa agad ang papel nito sa kanya. Kaya nang una niya itong makita, kahit unat na unat ang barong nito bilang best man sa kasal ni Shelby at nagpapa-cute sa kanya, kibit lang ng balikat ang reaction niya.
Pero hindi pala kasing-simple lang ng pagkikibit-balikat ang pag-iwas ay Jonas. Dahil sa pangalawang beses niya itong makita ay natuklasan niyang hindi effective dito ang katarayan niya. At sa pangatlong beses, tila napaulanan na siya ng karisma nito. At bandang huli, sa wari ay lumipad na sa bintana ang sabi niya sa sarili na babastedin niya ang lahat ng lalaking magkakainteres sa kanya.
Totoo pala ang kasabihan. There's always an exception to the rule.
Sa kaso niya, si Jonas Sta. Ana iyon.
Noon pa man in love na si Winnie kay Jeremy. Hindi niya itinatago ang nararamdaman para sa binata. Kaya lang palagi siya iniiwasan ni Jeremy. Wala tuloy nangyayaring progress sa relasyon nilang dalawa. Kaya nang malaman niya na magbabakasyon sila ng kaibigang si Ailyn sa isang malayong isla kasama si Jeremy, gumana kaagad ang utak niya.
Nagdesisyon siyang paibigin ang binata sa pamamagitan ng isang planadong pagkaka-stranded sa isang isla na silang dalawa lang. Mukhang effective ang plano kasi habang stranded sila ilang beses siya hinalikan ni Jeremy. Dama ni Winnie, in love na rin sa kaniya ang binata.
Until he learned about her plot. Sa halip na love, naging hate ang nararamdaman ni Jeremy sa kaniya. And Winnie was left with a broken heart.