Umpisa palang hinusgahan na siya pati ako na walang alam ay nadamay sa kahibangan nila. Hindi nila inalam muna ang katotohanan bago siya hinusgahan at pinatawan ng parusang kataksilan. Handa siyang magsakripisyo para sa kapayapaan ng dalawang mundong minahal niya ng lubos. Paano kung nalaman ko nga ang lahat ng intensyon niya pero huli na ang lahat? kaya ko bang ipagpatuloy mabuhay kung alam kong isa ko sa dahilan ng pagkawala niya?