Sa kwentong ito ay hindi Ako (Author) ang pipili ng makakatuluyan ni Paige. Kundi lahat kayong magbabasa ng Story na ito. Kapag malapit na matapos ang kwento, gagawa ako ng Poll para malaman kung sinong lalake ang gusto niyong makatuluyan niya. Ito'y hindi tulad ng ibang mga kwento na simula pa lang alam niyo na agad kung sino ang makakatuluyan ng Bida. Dahil kayo mismo ang magsasabi sakin kung sino ang gusto niyong makatuluyan ng ating Bida. Masaya ito, kaya samahan niyo akong gawin at enjoyin ang kwentong ito 💛 [AdathePanda] MAIN CHARACTERS Paige Avilla (19) - Ang bidang babae sa kwentong ito. Siya ang magisang anak lamang ng kanyang mga magulang at sila ay hindi mahirap pero hindi din mahirap kundi sakto lang. Si Paige ay tahimik lamang at ayaw niya makipagusap sa mga hindi niya kakilala pero siya ang mabait hindi nga lang friendly. Claire Celestial (20) - Ang matalik na kaibigan ni Paige. Mayaman si Claire at dahil sakanya marami ng napuntahan si Paige na lugar. Natutunan din ni Paige magparty dahil kay Claire dahil kadalasan lagi silang pumupunta sa mga kamaganak ni Claire at sinasama niya si Paige para hindi siya maboring at may makausap siya. Gabbi Castañeda (20) - Ang baklang kaibigan ni Claire at Paige. Silang tatlo lagi ang magkakasama sa school at sa aurahan. Pero silang dalawa lang ang nakakaalam na bakla si Gabbi dahil kapag nalaman ng pamilya niya ay ikakahiya at papalayasin siya dahil kilala ang Castañeda sa Politiko. Gwapo si gabbi kaya sayang. Gusto ni Gabbi magkaroon ng sariling sasakyan para sa aurahan at gimikan nung 18 years old siya pero ang kapalit ng sasakyan ay dapat may ipakilala muna siyang babae sa Papa niya. Dahil ayaw pumayag ni Paige na magpanggap, sinuyo ni Gabbi si Claire ng mga mamahaling bag kaya sa huli pumayag si Claire. (Ang kwento nito ay mababasa niya sa mga susunod na Chapter) [READ FOR MORE] Thank you guys 💛 #LovedontHateAll Rights Reserved