"alam ko naman na kaibigan mo ko, pero maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na mahal kita? ang hirap kaya para sa akin na itago yun kasi natatakot ako na baka lumayo ka. alam ko rin na imposible na maging pareho yung nararamdaman natin sa isa't-isa dahil alam kong siya yung gusto mo, pero masasabi mo bang kasalanan ko na minahal kita? masakit kaya ito para sa akin, sa twing nakikita kita na masaya at nakangiti habang kasama siya gustong pumatak ng luha ko pero pilit kong pinipigilan para hindi mo makita na nasasaktan ako. pero tandaan mo, kahit gaano pa kasakit yung nararamdaman ko, magbabakasakali pa rin ako na baka mahalin mo rin ako. willing ako maghintay kahit na hindi ako sigurado kung may hinihintay ba talaga ako. wala eh, mahal kita"
38 parts