Nasubukan mo na bang magmahal ng isang taong walang kasiguraduhan kung maibabalik din lang niya ang binigay mong pagmamahal sa kanya?
Yung tipo ng taong, binigyan ka ng motibo para mahalin mo siya pero, wala lang pala sa kanya.
'More than friends, less than lovers' ang motto niya sa buhay.
Masaklap iyon diba? Kasi hindi mo alam kung ano ka nga ba sa kanyang buhay.
Hindi mo alam kung paano mo ilulugar ang sarili mo sa kanya.
Kung may limitasyon kayo sa isa't isa o wala.
Hindi ko alam kung ano magiging ending nito pero kahit ano man ang mangyari, sana may mapupulot na aral dito si Anica pagdating sa pag-ibig.
Handa ka bang sumugal sa pagmamahal na walang kasiguraduhan?
Mahilig ba kayo sa mga taong mahilig magbigay ng mixed signals?
Eh sa larong tago-taguan? Taguan ng feelings at pagtingin sa isa'isa?
Kung oo, para sa inyo 'tong kwento na ito.
Para lang kayong napaso ng pagkain. Masakit sa una, masarap sa huli.