Ang lahat ng bagay ay nagbabago, ika-nga nila. Ito lamang ang tanging permanente sa bawat buhay ng tao na hindi kayang takasan ng kung sino man. Lahat tayo ay dumadaan sa prosesong ito at iba't-ibang klase ng pagbabago sa buhay ang ating mararanasan na lingid sa ating kaalaman. Pero, Kung minsan naman ang pagbabago, ay isa rin desisyon. Para sa ikabubuti. Malas na lang kung nagkataon na may pagsisihan ka sa bandang huli. Ang mahalaga, sa bawat pagbabago ikaw ay natututo.