Hindi nga maipagkakaila na marami ang gumagamit sa kasabihan ngayon na "Pinagtagpo Ngunit Hindi Itinadhana". Hindi mali ang umibig. Hindi mali ang magmahal. Hindi man sinasadya na sila ay magtagpo subalit mapagbiro nga yata ang tadhana at silang dalawa ang napaglaroan nito. Isang bawal na pagmamahal. Hanggang saan nila ipaglalaban ang kanilang pagmamahalan? Kaya ba nilang panindigan ang gagawin nilang desisyon o gagawin nila ang tama at yun ay palayain ang isa't isa para sa ikabubuti nang lahat. Malik Del Rio at Mira Santillan's Story