A Love Written In The Stars✓
21 parts Complete MatureCOMPLETED | UNDER REVISION
Kathanea Chandria Abella only ever wanted a simple life. Makapagtapos ng pag-aaral, makahanap ng matinong trabaho, at maikasal sa lalaking tunay niyang minahal. Lumaki siyang tahimik, may disiplina, at buo ang paniniwala sa mga bagay na simple pero totoo-lalo na sa konsepto ng wagas na pag-ibig.
She believed love should be honest, slow, and mutual. Hindi kailangang engrande, basta totoo. At dahil ganu'n siya pinalaki, she never questioned the idea of waiting-for the right person, the right time, the right kind of love.
So when she finally found out na si Mikel Cristopher Lavigne ang lalaking ipapakasal sa kanya, parang unti-unting naging makulay ang buhay niya. All her dreams suddenly aligned, as if fate was finally on her side.
Pero hindi 'yon basta-bastang kasal. It was a fixed marriage-isang kasunduang pinatibay sa matagal nang pangarap ng kanilang mga lolo na makita ang kanilang mga apo na magsama habang sila'y nabubuhay pa.
But what if everything she believed in... was only half the truth?
What if the marriage wasn't their grandfathers' idea after all? Paano kung hindi pala ang kanilang mga lolo ang may pakana ng lahat ng ito? What if it was Mikel all along-the man who quietly loved her from afar, deeply and desperately, in a way she never saw coming?
And the worst-or best-part?
She didn't even notice.
Habang siya'y abala sa pagbuo ng pangarap, may isang lalaking tahimik na minahal siya nang buo. Walang pangako, at walang kasiguraduhan-pero tapat. And now, all that quiet love is about to explode into her life, threatening everything she thought she knew.
Sa kasunduang ito, sino ba talaga ang naunang nagmahal?
Siya ba-na akala'y naghihintay lang ng tamang oras?
O si Mikel-na buong tapang na inayos ang tadhana nila, kahit hindi siya sigurado kung mamahalin din siya pabalik ng taong mahal niya?
𑁍ࠬܓ𖡼܀
Started: August 21, 2020
Ended: June 22, 2024
A Love Written In The Stars✓