Hindi ko alam na noon palang ay nahuhulog na ang loob ko. Walang kamalay-malay na ako'y nahuhumaling at sa bawat pagpatak ng oras ay bumibigat ang nararamdaman ko. Totoo pala ang mga sabi-sabi na hindi mo namamalayan at napagtatanto na may gusto ka na pala sa taong hindi mo kailanman inakalang magugustuhan mo siya. Naging magkaibigan kayo ng ilang taon at ngayo'y lumalim na ang nararamdaman sa kanya ay puno nang pagmamahal ang aking puso. Ngayon ko lang masasabihan ang sarili ko na mahal ko na siya ngunit hindi ko masabi ng harapan. Iniisip na balewala nalang ang pagsabi na gusto mo siya o kaya'y mahal kita. Bakit? Dahil alam ko sa sarili ko na sa bandang una at huli ay hindi niya ako mamahalin kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Isang dakilang kaibigan mula noon hanggang ngayon. Yan ang tungkulin ko sa kanyang buhay. Kaya nga wala na akong balak sabihin sa kanya. Ngunit sa nagdaang araw at buwan ay nasasaktan na ako. Nasasaktan dahil napapalayo na siya sa akin at natatakot sabihin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.All Rights Reserved