Tila isang babaeng galing sa kumbento, manang manamit, halos takpan ang mukha gamit ang mahabang buhok, malayo ang loob sa mga lalaki, ganoong klasing babae si Maria Anastasia Perez. Ang katangiang ganoon siguro ang nagustuhan ni Phil ang dalaga. Nagkaroon siya ng "Thrill" na mapa'oo' ito. Dahil narin sa tukso ng mga barkada niya na hindi niya kayang paibigin ang dalaga na hate na hate yata ang lahat ng lalaki sa mundo. Dala marahil ng isiping "challenge" iyon sa binata kaya nilapitan niya ito. Sinuyo at kinaibigan muna bago pinaibig. Pero nang sumuko ang dalaga at mabuwag ang harang nito sa lahat ng lalaki ay saka naman nawala na parang bula ang binata sa piling nito. Alam na ni Maria kung anong ibig sabihin noon. Na pagkatapos ng isang halik at paglalaro ng binata ay siya namang pagdurugo ng kaniyang pusoAll Rights Reserved