Minsan sa buhay, makakahanap ka ng pag-ibig. Hahawakan mo, aalagaan mo, itatago mo hanggang kaya mo. Pag naubos, wala ka nang magagawa kundi magparaya. Buhay nga nagtatapos. Relasyon pa kaya?
Pag-ibig. Gaano nga ba kahirap ang magmahal? Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Hanggang kailan mo kakayaning magtiis? Magpapakatanga ka ba? Magpapakadakila ka bang martyr? Lahat ng katanungang iyan ay hahanapan ng sagot dito sa istoryang ito.