Isang talang-gunitang kathang-isip. Mala-Marcel Proust ang estilo ng pagsusulat. Naglalakbay ang isipan. Sa paglalakbay na 'yan, mababasa ang mga maiikling kuwento ng mga tauhan na bubuo ng pangkalahatang kuwento. Layunin ng nobelang ito ang maintindihan ang mga transgender o transekswal dahil ipapakita ang mga iba't ibang larawan nila. Ipinagbubunyi rin ng nobelang ito ang kariktan ng Wikang Filipino.