Nais mo bang ma inlove sa mga kilig moment ng dalawang taong nagmamahalan at maiyak ng sobra sa love story nila?
Narito ang kwentong magpapainlove at magpapaiyak sa inyo. Ang kwentong tungkol sa pagmamahalan nina Frances at Amanda. Kung saan sila’y nangako sa isa’t isa na tanging sila lamang ang magkakasama habang buhay. Ngunit paano kung hindi gusto ng magulang ni Amanda ang buhay at pamilya ni Frances. Ano kaya mangyayari sa relasyon nila at maging ang tadhana ay hadlang sa pagmamahalan nila? Mananatili ba ang kanilang nadarama kapag nalaman nilang may arrange marriage si Amanda?