"Nakatanaw sa malayo, nakaupong parang malabo, malabong maipinta ng buo. Buhay na nilalakbay, tulay na binabay-bay, mundong tila nawawalan na ng kulay. Sulyap sa nakaraa'y maaari ba? Malaman ang bukas ay imposible ba? Kahapong nagdaa'y maibabalik pa ba? Mga luhang pumapatak ay mapupunasan pa ba?"