Siya ay maginoo, matipuno, guwapo, at tinitingala ng nakararami. Pero higit sa lahat, siya ay hindi bastos at nirerespeto ang kapwa. Alam niya kung paano makisama at madali siyang pakisamahan.
'Yan si Carlo Dizon, isang Freshman student na may kursong Bachelor in Elementary Education. Matagal na niyang pinapangarap na maging isang ganap na guro tulad ng kanyang mga magulang. Nakikita niyang magiging masaya siya sa kanyang buhay kapiling ang mga batang gustong matuto mula sa kanya.
Ngunit, bago niya makakamit ang kanyang pangarap, kailangan niya munang harapin ang pinaka-kinatatakutan ng lahat ng mga Freshmen. Ito ay ang unang araw ng pasukan sa paaralan. Kung saan sila ay makikipagsalamuha sa iba pang estudyante at makikipagsapalaran upang makapagtapos sa kursong kanilang pinili.
Kakayanin kaya ni Carlo ang lahat ng pagsubok na kanyang haharapin sa araw na iyon? O kaya naman ay masisindak sa mga taong kanyang makakasalamuha sa paaralan?
Mababago ba ang pananaw ni Carlo sa buhay ng isang tao kung unang beses lamang niya ito nakita?
- Apollo