Ako si Pearl, isang babaeng nakatadhana ang buhay na sundan ang yapak ng nanay ko na isang pok-pok! May roon akong pangarap, isang pangarap na kasing tayog ng bundok, 'yun ang maka-alis sa putik na kinasadlakan ko. Isang pangarap na napaka imposibleng matupad. Pero isang gabi ay biglang dumating ang ipo-ipo at tinangay ang pangarap ko papunta sa tuktok ng bundok, bundok ng pangarap ko na may kasamang bonus. Pero sadyang hindi pala madali ang lahat. Lalo na kung alam mong makakasakit ka ng damdamin ng taong mahal mo.