Ako si Angelyn Dela Vega. Just a typical girl kahit na mayaman ang pamilya ko. Down to earth at madaling i'approach. Certified NBSB pero maraming nagtatangkang manligaw. Nagbago lahat ng yan simula ng makilala ko ang isang "GANGSTER" na si Jace Martin Velarosa. Nakakainis siya! Kasi kahit na gangster siya at kinaiinisan ko pa, pakiramdam ko nahuhulog nako sa kanya. Ako si Jace Martin Velarosa. Isang "GANGSTER" at hindi ko tinatanggi yun. Ano bang definition sa isang gangster? Loko loko, babaero, basagulero, manhid, walang awa at walang pakialam sa iba. Pero nagbago lahat yun dahil sa isang Angelyn Dela Vega na dumating sa buhay ko. Isang simple pero madaldal na babae na kinaiinisan ko. Pero bakit pakiramdam ko nahuhulog nako sa kanya.