"Sigurado ka ba gusto mo pang ituloy?"
"Oo," aniya. Hingang malalim. "Ipagpapatuloy ko 'to hanggang sa magtiwala siya ulit, hanggang maniwala siya sakin, hanggang magmahal siya ulit."
Napailing si Mal, awang-awa sa kaibigan. "Paano kung magmahal siya ulit pero hindi ikaw 'yon? Ikaw lang 'yung nasasaktan sa ginawa mo, dinudurog mo lang ang sarili mo."
Napahinto si Jay sa paglagok ng alak. Napapikit. "Mas nadudurog ako kung nakikita ko siyang ganyan, tapos wala akong ginagawa? Ayokong panuorin lang siya."
Hindi na kumibo si Mal, pinilit ubusin ang laman ng baso niya. Alam niyang hindi siya mananalo sa kaibigan.
"At," pahabol ni Jay. "Sisiguraduhin kong. . . ako, ako na ang mamahalin niya"
When the final battle of hogwarts is over, too many people were lost. So the Emerald Trio (aka golden trio) and their friends decided to travel to the past to change the course of the future.
Hogwarts Legacy Crossover
(Does NOT follow movies. New stroyline. Some dates may differ.)
*I do NOT own Harry Potter or J.K Rowling's characters*