GRETA THE YOUNG SUPERSTAR By: C. J. Garcia Bata pa lang si Greta ay nagta-trabaho na siya bilang isang artista. Pinanood natin siyang matutong magbilang sa 'I Heart Numbers' at maging quiz bee champion sa 'Super Science'. Siguro kung siya ay tatanungin kung ano ang kanyang unang memorya, marahil ang kanyang isasagot ay nasa taping siya ng 'I Heart Numbers' o 'Super Science'. Buong buhay ni Greta ay ating nasaksihan dahil hindi siya nawala sa ating mga telebisyon. Nakita natin siyang magdalaga sa 'First Love', sabay tayong lumuha sa kanyang araw-araw na pag-iyak sa 'Sa Dulo Ng Walang Hanggan', at lahat tayo ay pumila sa unang araw na nilabas ang kanyang unang pelikula under TS7 Films. Napamahal na tayo sa maamo at mala-anghel niyang mukha. Hinangaan rin natin ang pagtayo niya bilang breadwinner ng kanyang pamilya. At kung tatanungin ang mga taong sumubaybay sa kanyang paglaki sa likod ng mga kamera, puro mabubuting salita lamang ang maririnig mo sa kanila at lahat ng 'yun ay totoo. Masipag. Mabait. Mapagbigay. Bukod sa kanyang pagtanggap ng Best Actress Award sa nakalipas na Gawad Urian at pagiging mukha ng 'top-grossing Filipino film of all time', isa rin siyang certified multi-platinum recording artist. Paborito rin siyang modelo ng mga tanyag na fashion designers at sikat na fashion magazines. Isa rin siyang lihim na philanthropist, hindi nito ipinapaalam sa madla ang kanyang pagboboluntaryo sa mga medical missions at relief operations. Kaya hindi na isang kalabisan kung sasabihin kong si Greta Young ay ang natatanging Superstar ng kanyang henerasyon. Nasa kanya na ang lahat... maliban ang isang bagay. Kailan kaya bubuksan ni Greta ang kanyang puso para sa pag-ibig? At sa haba ng mga nakapilang manliligaw, sino kaya sa kanila ang makakakuha ng kanyang matamis na oo?All Rights Reserved