Nadia Caceres is a policewoman who is dedicated in her job. Labis ang kanyang pagmamahal sa bansang Pilipinas. Gagawin niya ang tungkulin na protektahan ang mga sibilyan, kasama ang kanyang kaibigan na si Gara De Leon at Shane Ambrocio. They are member of a special crime division na binuo ng gobyerno upang lutasin ang mga samo't saring krimen na lumalaganap sa bansa.
Isang kaso ng pagpatay ang hawak nina Nadia at Gara. Ang kasong gustong lutasin ang magpapabago sa buhay ni Nadia. Ang kanyang pinakamamahal na kapatid na si Divine ay naging biktima sa karumaldumal na pagpatay. Mas lalong umigting ang kagustuhan ni Nadia mahuli ang pumaslang sa kapatid at mabigyan ito ng katarungan.
Sa kanilang pag-iimbestiga matutuklasan ni Gara ang isang kaso ng pagpatay, sa taong 1889, na katulad sa murder case na nireresolba nila.
Hanggang isang gabi, nasagupa nina Nadia, Gara at Shane ang suspek sa pagpatay. Imbes na mahuli ang misteryosong kalaban. Nagising ang tatlo sa taong 1889, may ibang mukha, katawan at pamilya.
Pilit nilang aalamin ang motibo sa pagpatay, kung sino ang pumapatay? Hindi nito mahahadlang ang hustisyang ninais nina Nadia, Gara at Shane para kay Divine at sa iba pang biktima.
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos