WEDDING GIRLS 20 - Sydney
  • Reads 84,238
  • Votes 2,700
  • Parts 29
  • Reads 84,238
  • Votes 2,700
  • Parts 29
Complete, First published Sep 11, 2019
WG Sydney - The Singer
Walong taon na ang relasyon nina Paolo at Sydney. Napakatagal na niyon kumpara sa mga relasyon ng iba na hindi nagtatagal at nauuwi lang sa hiwalayan. Kaya ang mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ay hindi inaasahan ni Sydney na mangyari. Dahil lang sa maliit na problema ay nagkahiwalay sila. At noon na-realize ni Sydney kung gaano niya kamahal ang binata.
	Gusto niyang habulin si Paolo. Mahal na mahal niya ito pero paano siya makikipagbalikan dito kung may iba na itong girlfriend.
	Mabuti na lang at sa kanya pa rin boto ang ina at kapatid ng binata. Tutulungan siya ng mag-ina para magkabalikan sila ni Paolo.
	Effective naman kaya?
All Rights Reserved
Sign up to add WEDDING GIRLS 20 - Sydney to your library and receive updates
or
#140wedding
Content Guidelines
You may also like
One Hundred Ways to His Heart [COMPLETED] by NaturalC
30 parts Complete
Stefano Moran was the title holder of Azur de Verano-isang heritage town sa Bataan kung saan nakalagak ang mga ancestral house ng ninuno nito. Kimberly Tejada on the other hand was an engineer who's on the process of proving herself to her family and colleagues. Nabubuhay siya ng dahil sa trabaho. Dumating ang isang dagok sa buhay niya kung saan kailangan niyang kumbinsihin si Stefano na ipagbili ang propriedad nito para maisara ang isang importanteng deal na magliligtas sa kompanya nila. Tulad ng inaasahan ng dalaga, hindi magiging madali ang pakikipagtransaksiyon sa isang gaya ng binata-arogante, antipatiko, bayolente, pusong-bato, at tila may tililing sa ulo. "I'm not a total monster, Ms. Tejada. If you really want my property, then make me surrender. Sa loob ng tatlong buwan, kung makukumbinsi mo 'kong isuko ang lupain 'ko, pipirmahan 'ko ang deed of sale. Malaya kang gawin ang lahat ng paraang maiisip mo." Determinado si Kimberly na manalo sa inihaing kasunduan ni Stefano. Suwerte namang napulot niya ang planner ng lalaki kung saan nakatala ang bucket list nito. Nakasulat doon ang isang daang mga bagay na gusto nitong makuha o gawin, pagkaing gusto nitong kainin, lugar na gusto nitong puntahan, at mga problemang gusto nitong solusyunan. Pinaghirapan niyang isa-isahing tuparin ang nasa bucket list nito. At sa proseso ng pagpapakaaligaga niya dito, doon niya napagtanto na di lang dapat umiikot ang buhay niya sa trabaho. She found herself enjoying the role of a genie to Stefano's bucket list. At di ring maiwasang mahulog siya binata nang makilala niya ang totoong ito-sweet, loving, and caring. Pero sa dulo ng listahan, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa nabasa. Finally... die in peace with at least one person holding my hand. Could Kimberly still play the role of a genie until the end if that's what awaits her? Could she still accompany the man she learned to love on his coming end? For her, that would be a total heartbreak and a major heartache.
You may also like
Slide 1 of 10
Sometimes You Just Know - Volume 3 cover
Wedding Girls  Series 12 - JULIANNE - The Bridal Gown Designer cover
Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2) cover
Casanova's Love Affair cover
LA CASA DE AMOR - NATHANIEL cover
The Doctor Series 3: Reaching You cover
One Hundred Ways to His Heart [COMPLETED] cover
The Cavaliers: REVO cover
Monasterio Series 9: Enslaved by Her Innocence cover
Ain't No Other cover

Sometimes You Just Know - Volume 3

23 parts Complete

Walang salitang pumasok si Riza sa kuwarto. Halos balyahin pa nga niya ang pagkakabara ni Roi sa pinto. Isa lang ang concern niya: ang daluhan ang batang alaga niya. Matapos palitan ng diaper ay sinubuan na rin niya ng dede ang sanggol. Ipinaghele pa niya ito bago tuluyang napayapang muli. Roi was indeed stunned. Hindi nito malaman kung ano ang iisipin sa yaya ng anak. She was not wearing an ultra-sexy negligee. Napalunok si Roi. He had been celibate for more than six months. Seeing the nanny of his son, nang-aakit man ito o hindi ay isa lang ang epekto sa kanyang katawan. The mere sight of her made him hard. Damn! galit na mura niya sa sarili. Pakiramdam niya ay pagtataksil sa alaala ng namatay na asawa ang nangyayari sa kanya ngayon. Or maybe, he could blame it on the wine.