Mahal ko siya. Mahal niya ako. Mahal namin ang isa't isa. Pero hindi naging sapat yun para tuluyan kaming maging masaya. Masyadong maraming hadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Lalo na ang mga magulang ko na walang ibang ginawa kundi ang paglayuin kaming dalawa. Hanggang dumating ang araw na kailangan kong magdesisyon. Hindi para sa kapakanan ko kundi para sa kapakanan ng nasa sinapupunan ko. Ou buntis ako. Pero sa kasamaang palad, hindi pa rin ito kayang tanggapin ng pamilya ko. Bagkus ay nais pa nila itong ipalaglag. Dahil ayaw talaga nila sa dugong nahalo dito. Dahil doon, nagkasamaan kami ng mga magulang ko. Nagpasya akong umalis ng hindi nagpapaalam sa kahit na sino. Kahit sa taong mahal ko na siyang Ama ng nasa sinapupunan ko. Nagpunta ako sa lugar kung saan walang nakakilala sa akin na kahit na sino. At doon nagsimula ako ng panibagong buhay. Magkikita pa kayang muli ang dalawang tao na wagas at tapat na nagmamahalan? At nangakong mag-iibigan hanggang sa kabilang buhay. O tuluyan na silang magkakaroon ng kanya kanyang pamilya at hindi na muli pang magkakabalikan?