--- Boring ngunit interesante ang tingin ng mga tao sa buhay ni Annika Sriyon. Masyado itong seryoso, tahimik at kapag wala sa huwisyo ay sisimangot, iyong tipo na mananapak kapag kinausap mo. Kilala siyang trouble maker at kinatatakutan sa dati niyang eskwelahan ngunit binawasan niya ang pagiging tarantado nang inilipat siya sa isang University sa Cavite. Ngunit gayunpaman, hindi parin siya mahiwalay sa gulo at parang nakadikit na siya rito. Gusto niyang magbago ngunit wala siyang dahilan para gawin ito. ---