Avisha Lorien Rivera, a 16 years old girl who has no idea what life is all about. Sya ay pinakamamahal ng kanyang pamilya kaya't ito ay nakakulong at sumusunod lamang sa mga gusto ng kanyang mga magulang sakanya. Hanggang umabot na sa puntong gusto nyang maranasan kung ano ba talaga ang totoong buhay na ikinahaharap ng kanyang magulang sa labas. Pagkatungtong nya ng kanyang 16th birthday agad itong nagpa alam sa kanyang mga magulang at humanap ng trabaho. Ayaw man syang payagan ng kanyang magulang ay sa huli napapayag din nya ang mga ito. Agad din naman nakapag adjust si Isha sa kanyang trabaho at ninanamnam ang buhay na dinadanas ng kanyang mga magulang para mabigyan sya ng magandang buhay. Hanggang sa nakilala nya ang boss nya na ubod ng sungit at walang pakealam sa mundo na si Xander Javier Dela Fuente. Isang araw may inalok si Xander kay Isha, nung una ay hindi ito pumayag pero dahil sa nabalitaan nya na kapos at nangangailangan ang kanyang mga magulang wala na syang choice kung hindi tanggapin ang alok ni Xander sakanya sa ngalan ng pangangailangan ng kanyang mga magulang. Pero dahil sa alok na yun may namumuo ng pagtingin sa pagitan nila. Pero life is full of surprises. Dahil sa kagustuhan ng tadhana sinubok sila ng tadhana sa kanilang relasyon dahilan ng pagpasok ng mga pagaalinlangan nila. Mananalo ba ang Doubt sa Love? "Doubt of Never Ending love"