Ang magkaroon ng tahimik at simpleng buhay, 'yan ang tanging pangarap na gustong maabot ni Grae Fortalejo, isang ordinaryong estudyante ng Northeast Academy. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay matutuklasan niya na ang kinatatakutang gangster na si Race Zaldivar ay matagal na palang may gusto sa kanya.
Kilalang King ng mga gangster si Race at mayro'n na itong mahabang listahan ng mga taong binawian ng buhay. Lahat ay pangalan ng mga taong nanakit at nagpahirap sa itinuturing nitong reyna.
Sa loob ng anim na taon ay nagawang makatakas ni Grae mula sa kamay ng binata. Ngunit paano kung bigla itong bumalik upang guluhin ang tahimik at masaya niyang buhay?
Handa na nga ba siyang patawarin si Race sa mga nagawa nitong kasalanan? Handa na nga ba siyang lumagay sa tahimik sa piling ng lalaki na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya? At handa na nga ba siyang harapin ang galit nito oras na mahukay ni Race ang mga lihim na ibinaon niya anim na taon na ang nakalipas?
#GraeEyedAthena
LAHAT tayo may mga luhong pinapangarap sa buhay. Lahat tayo may mga bagay na gustong makuha. Lahat tayo gustong maging mayaman! Paano kaya kung mayaman ka na talaga? Hindi lang mayaman kundi isa sa pinakamayaman at kilala sa buong bansa? Paano kung lahat ng bagay ay literal na nakukuha mo sa isang pitik lang ng kamay at hindi ka nakaranas ng hirap kahit kailan? Ang saya di 'ba? Pero paano kung bigla kang sumpain na mawawala ang kaligayahan mo habambuhay?! At ang tanging makakapag-pawalang bisa lamang noon ay isang lalaki?--- Isang lalaki na hihilinging iwan mo ang lahat ng kayamanan mo at tumira bilang isang mahirap na probinsyanang trabahador sa hacienda. Ano keri mo ba? o hahayaan mo na lang maging emo ka forever? Subaybayan ang istorya ni Rafi at ang pikit-mata niyang pagsama kay Kulas, ang prinsipe niyang nakasuot ng basahan.