Sa isang bar ay nagkakagulo ang lahat dahil sa di inaasahang paglusob ng mga Agents. Nagbigay sila ng warning sa lahat na lumabas dahil sa bombang nilagay ng mga kalaban, ang Mafia Syndicate. . At dahil don ay nagmamadaling tumakbo ang mga nakaitim. Nagkahiwa-hiwalay sila at sa di inaasahan ay naabutan ng Leader ng Agent ang Leader ng Mafia Syndicate. Hindi makilala ng Agent ang Mafia Syndicate dahil sa nakamaskara ito ng silver ngunit natitiyak niya na isa itong babae. . Bawat suntok nilang dalawa ay talagang wala pa sa kanila ang natatamaan. Talagang napakagaling ng bawat galaw at masasabi mong bihasa sila. Sa kabila ng kanilang paglalaban ay natanggal ang maskara nito kaya bago pa makita ng Agent ay tumakbo na siya. Ngunit pinutukan siya nito kaya ito ay natumba at dumaing sa tama ng bala na mula sa kanyang likod. Tumakbo ang Agent at hinawakan ang kamay palikod. Pinaupo niya ito at pinaharap ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang nakita. . Ang taong matagal na niyang hinahanap. Ang taong matagal na niyang inaasam na makita at makausap. Ang taong gusto na niyang mayakap at mahagkan. Ang taong minamahal niya mula noon at hanggang ngayon ngunit sinaktan niya ito dahil sa career niya. Ang kanyang inosenteng babae na mahal na mahal niya. "Ikaw? Paano? Bakit?" At dahil sa nalilito pa ang lalaki ay sinuntok siya nito at tumakbo sa binatana at tumalon. . "Shit! Teka!" Nakita nalang niya mula sa bintana na nakasakay na sa isang maitim na sasakyan. Alam niyang nakatingin din ito sa kanya. "Ano ang nangyari sayo? Paano nangyari ito? FuckShit!" At bigla na lamang siya nanghina kaya napaupo siya habang walang hintong- hinto ang pagtulo ng kanyang mga luha. . Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa. Is it War or Love? Sino sa kanila ang bubuwag sa grupo para makasama ang isa't-isa. Ang Agent or ang Mafia. Ano nga ba ang nangyari sa kanila noon. Alamin natin yan dito.All Rights Reserved