Naranasan niyo na bang matakot ng sobra sobra? Yung pakiramdam na, parang katapusan mo na? Kung ako ang tatanungin niyo, oo ang sagot ko! Naranasan ko na yun! At take note, dahil yun sa isang pesteng ipis! OO PESTENG IPIS! Babala, ang kwentong inyong mababasa ay pawang kalokohan lamang. Mag-ingat, maaaring maging paranoid din kayo pagkatapos niyo itong basahin. Maghanda ng unan at kumot para sa mga kagimbal-gimbal na kakornihan. Wag magpapanic pag nakakita ng ipis, hindi ikaw ang author. Wag magpadala sa takot, hindi ka kayang kainin ng ipis. Ito ay base sa totoong pangyayari.