Sports Writer ng Buhay ko.
By: IamrandomR
Prologue
“It’s not about winning or losing in the game called ‘life’, it’s about how you play your role.”
-Russel Jhon Batoy
…but there is one part/kind of life that shouldn’t be played, it’s the “love life”. Just like what RJB once said, “No one wins in the game of love, for love is not a game.”
Maraming tao ang ginagawang laro ang pag-ibig, maraming nasasaktan, umiiyak, ngunit mayron din namang ngumingiti, yun nga lang, minsan hindi pangmatagalan. Dumarating sa puntong may umaayaw, kung minsan din, hindi dahil sa ayaw talaga nila, kundi dahil may natatanging dahilan sa likod nito.
Pero ikaw, makikipaglaro ka pa din ba sa pag-ibig tulad nila? Makikipaglaro ka ba para hindi masaktan o para makasakit.
Huwag kang mag-alala dahil may ‘sports writer’ na magsusulat at kukumpleto sa natitirang laro ng buhay mo.